Sa larangan ng trabaho sa abyasyon (aviation) na sumasalamuha sa iba't-ibang tao, maraming beses na nasusubok ang kakayahan at pasensiya ng mga crew.
The announcement has been made in both English and local language hence there are some who still seems to not understand, choose to ignore and refuse to understand. Haysssttt.
Maka-ilang beses na ang panawagan ay nabanggit pero nanatili siya upuang hindi naka-assigned. Pinaki-usapan pero di natinag. "I have been travelling a lot in my whole life and never encountered problem with changing the seats!", kanya pong tinuran. "You are just telling me to move right now just to make your colleague feel better", ika po niya. Katulad ng paliwanag ng aking colleague muli akin pong ipinaliwanag. Narinig lang na ipapaalam sa kapitan, gumalaw din yang puwit sa kinauupuan.
Pagkatapos na mai-release ang sinturong pangkaligtasan binalikan ko ang pasahero upang magpa-salamat sa cooperation at isang local na pahayagan iniabot ko sa kanya...this time naka-ngiti na po si lolo :-). Maya maya pa ibinalita ng kasamahan ko na humingi ng paumanhin sa kanya si lolo :-). Oh diba smooth ang trabaho ng walang buwisit.
Sometimes it is good not to understand what they are saying if and only if it comes from the non-sense rude tongue.
May pasahero naman who just paid for a seat on a specific date na animo'y binayaran pati na buong pagkatao ng mga crew, lalo na akala mo'y binayaran buong eroplano. Isang bugtong hininga para dun.
I always say that it is a lot better to work when the cabin is full for as long the as the passengers respect the crew, pero kung kahit lima lang sila na walang respeto - daig pa nito ang full cabin.
Cabin crew are doing their job to give the passengers the utmost service and comfort, not just simply giving a cup of coffee or tea. They are there primarily for the safety of all the passengers. Konteng respeto lang po.
0 Comments:
Post a Comment
Share your thoughts and comments on the space below.